^

Dr. Love

Dr. Love Monday Special : Lahat na’y nasa kanya pero kulang pa

-
Bata pa lang ako nang iwan kami ng mother ko. Mula noon, sinikap kong magtagumpay sa sarili kong sikap. Ako’y naging magaling na manganganta at batikang aktres sa teatro. Mabuting lalaki ang napangasawa ko at magagaling ang aking mga anak. Kung titingnan ng iba, okey ang lahat sa akin. Ang totoo, sa gitna ng magagandang bagay na ito sa buhay ko, mayroon pa rin akong naramdaman na malaking kakulangan. Miserable ako.

Dumating pa yung panahon na itinuring kong hadlang ang pamilya ko sa pag-angat pa ng career ko. Naisip kong hindi ko na mahal ang asawa ko at pinangarap na sana’y dalaga ulit ako para mas matayog pa ang marating ko. Pero hindi ko iniwan ang pamilya ko kahit ganoon ang mga naiisip ko. Ayaw ko kasing mag-isa sa buhay. Nagkita kami ng aking ina sa States pero puro kapaitan pa rin ng damdamin ang nanaig sa akin.

Minsan habang nag-eensayo ako para sa isang palabas sa teatro, nakita ko si Ray-An Fuentes. Napansin kong may kakaiba sa kanya. Tinatanong ko siya kung ano’ng nagpapasaya sa kanya. Ang sagot niya: relasyon niya sa Panginoon. Sabi ko, "Isa ka ba sa mga praise the Lord, praise the Lord?"

Hayun, tuwing break ng ensayo sa palabas, kinukuwentuhan niya ako tungkol sa relasyon niya sa Diyos. Tinanong pa niya ako kung kilala ko si Hesus. Nagulat ako nang itanong niya iyon sa akin. Siyempre, kilala ko si Hesus. Pero natuklasan ko kalaunan na may pagkakaiba ang kilala ko lang si Hesus sa mayroon akong relasyon kay Hesus.

Isang buwan ding nagpaliwanag si Ray-An sa akin. Ayaw ko kasing isuko ang buhay ko sa Diyos sa akalang kapag isinuko ko pati ang pagkanta ko, magiging "nobody" ako. Pero talagang pagod na ako sa buhay. Nang magpunta minsan si Ray-An sa bahay, binasahan niya ako ng salita ng Diyos at noon ko ibinigay sa Panginoon ang lahat-lahat sa buhay ko. Para akong nakawala sa pagkakabihag. Nagawa kong patawarin ang ina ko at ibinalik Niya ang dati naming pagtitinginang mag-asawa. Ipinakita Niya sa akin na mahal na mahal ko ang pamilya ko.

Hindi ibig sabihin na dahil nasa Diyos na ang buhay ko ay wala nang problema. Mayroon pa rin akong nararanasan na problema. Pero ang mahalaga ay nagpapakatatag ako sa Kanya at nagpatuloy. Yung naranasan ko sa Panginoon ay hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bagay. Mawala na ang lahat huwag lamang ang Panginoon. - Karla

(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila)

AKO

AYAW

COUNSELLING CENTER

DIYOS

HESUS

IPINAKITA NIYA

METRO MANILA

NIYA

PANGINOON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with