Dr. Love Monday Special: Mamamatay ako pag walang drugs!
October 29, 2001 | 12:00am
Labinlimang taon akong naging durugista. Dalawang gramo ng shabu ang tinitira ko araw-araw. Pinakamababa na iyon. Hindi ako makabangon nang hindi nagsa-shabu. Kailangan ko rin ng drugs para makatulog. Iyon ang kalakaran ng buhay ko. Sasabayan ko pa iyon ng pag-inom ng alak. Isa pa, salbahe akong anak. Kasi tingin ko sa sarili ko, wala na.
Isang gabi, tumawag ako sa numero ng isang counselling center, pero hindi para humingi ng payo. Iinsultuhin ko sana yung pastor na nagsasalita sa TV na pinanonood ko noon. Kaya lang, ang nangyari ay isinuko ko ang buhay ko sa Diyos pagkatapos ng apat na oras na pag-uusap. Alas-kuwatro na ng madaling-araw iyon.
Nang oras na iyon, tumigil agad ang pagnanasa ko sa pag-inom ng alak. Pero yung pagtira ng drugs, inabot ako ng dalawang buwan. Hindi kasi ako nananiwala noon na basta na lang matatanggal yung bisyo na iyon.
Pero kinonsensiya ako ng Diyos. Sabi Niya, panay raw ang simba ko at panay ang kuwento ko tungkol sa ginawa Niya sa buhay ko. Pero ipokrito ako dahil hindi ko pa isinusuko yung pagda-drugs ko. Noong mga oras na iyon, mayroon akong kaunting shabu sa bulsa ko. Nagdahilan ako sa Diyos na uubusin ko na lang iyon at tapos ay hindi na ako gagamit kahit kailan. Pero patuloy Niya akong binagabag at naisip kong ipokrito nga ako dahil ilang ulit ko nang ipinapangako iyon pero napako lang. Hindi totoo.
Nang maisip ko iyon, agad kong itinapon ang natitira kong drugs. Tatlong araw akong nanginginig. Kasi nagkaroon ako ng tinatawag na "withdrawal syndrome." Noong ikatlong araw, naligo ako at naliwanagan na nabuhay ako ng tatlong araw na hindi tumitira ng drugs. Tapos, yun na. Nawala na yung bisyong iyon.
Pero kahit "good boy" na ako ngayon, minsan meron pa ring nangyayaring hindi maganda sa akin. Tulad noong minsan, nakidnap ako ng mga armadong lalaki na nakabihis military. Lasing na lasing sila noon. Kinulong nila ako sa trunk ng kotse tapos pinaandar nila ito. Buti na lang niligtas ako ng Diyos. Nabuksan ko yung trunk, tumalon ako at nagtatakbo.
Bakit kasi nangyayari ang mga ganitong eksena kahit "going straight " na ako? Isa lang ang sagot ko diyan: dahil gusto ng Diyos na matuto tayong tumawag sa Kanya at laliman pa ang relasyon natin sa Kanya.
Sa kasalukuyan, ginugugol ko ang oras ko sa pagtulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagko-coach ng basketball. Host din ako ng isang TV show. Exciting ang buhay ko ngayon. - Leo
(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala ng operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila. Maaari ka naming tulungan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended