Natotorpe ako kung kaharap ko na siya
October 9, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masusugid ninyong tagasubaybay at ikinalulugod kong makabilang ako sa libu-libo ninyong letter senders.
Ako po ay 20 taong-gulang at itago na lamang ninyo ako sa pangalang Mr. F.G. Pabunan.
Kaya po ako sumulat sa inyo ay para humingi ng payo nang mawala ang aking kadunguan lalo na sa pagtatapat ng pag-ibig sa babaeng aking minamahal.
Ang babaeng aking hinahangaan ay hindi ko mapagtapatan ng niloloob ko. Tuwing magkikita po kami ay puro batian lang at tanguan. Ganoon lang po.
Tuwing tatangkain kong kausapin siya ay nararamdaman kong umuurong ang aking dila. Hindi ko na po tuloy masabi ang aking nararamdaman para sa kanya.
Ano po ba ang dapat kong gawin para maipagtapat ko ang aking niloloob para sa kanya? May pag-asa po bang mapasagot ko siya kahit ako ay torpe?
Sana po ay matulungan ninyo ako.
Gumagalang,
Mr. F.G. Pabunan
Dear Mr. F.G. Pabunan,
Maraming paraan para maipagtapat mo sa babaeng iyong minamahal ang iyong damdamin.
Kung nadudungo ka kapag kaharap mo siya, bakit hindi mo daanin sa sulat? Puwede mong ipaabot ito sa kanya sa pamamagitan ng isa mong matalik na kaibigan o malapit niyang kaibigan. Puwede rin silang makatulong sa pagsasabi kung ano ang layunin mo para sa kanya. Madali mo ring malalaman sa pamamagitan nila kung may maaasahan ka sa panliligaw sa crush mo.
Isa pang paraan ng paghahayag ng damdamin ang pagdalaw mo sa kanilang tahanan. Kahit na hindi ka makapagsabi ng damdamin mo, puwede mong maihayag ito sa pamamagitan ng pagdadala ng mga bulaklak o ng paborito niyang chocolate.
Kaibiganin mo muna siya. Siguro naman, kapag palagay na ang loob ninyo sa isat isa ay hindi ka na madudungo na maipagtapat mo sa kanya ang niloloob mo.
Marami nang mga lumang style ng panliligaw ang puwede mong gamitin para lang maipadama sa babaeng mahal mo ang tunay mong damdamin para sa kanya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended