Dedmahin ang paninira
September 5, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo ay naway lalo pang lumaganap ang column na ito. Ako po ay isa sa masugid ninyong tagasubaybay. Tawagin na lamang po ninyo akong Rhean, 21 years-old at tubong Bicol.
Sa ngayon po ay may boyfriend ako na naninirahan sa Maynila. Almost one year and a half na rin kaming mag-on. Last April pa po kami huling nagkita. Miss na miss ko na nga siya at ganoon din siya sa akin. Tanging sa sulat at cell phone lamang ang aming communication. Napakahirap po para sa amin ng ganitong sitwasyon.
Nagkaroon po kasi ako ng problema sa dati kong tinutuluyan malapit sa kanila. Hindi ko po kasi matanggap na mismong kamag-anak ko pa ang maninira sa relasyon namin. At dahil hindi ako sanay makipagplastikan sa mga taong makikitid ang utak ay napilitan muna akong lumayo pansamantala.
Dr. Love, ano po ba ang nararapat kong gawin? Hindi ko na po kasi matiis na hindi ko siya makita sa araw-araw. Sa tinagal-tagal ng relasyon namin, ngayon lang kami nagkalayo ng ganito katagal. Makakaya ko rin po kayang huwag pansinin ang mga ganoong klaseng tao? Sa palagay po ba ninyo ay dapat ko nang tanggapin ang alok niyang civil wedding? Para na rin po sa ikatatahimik ng relasyon namin at mga tsismosot tsismosa sa lugar namin. Pagpayuhan po sana ninyo ako.
Thanks and more power.
Rhean
Dear Rhean,
Kung walang katotohanan ang mga sinasabi mong paninira laban sa iyo, tama ka. Dedmahin mo na lang sila.
Pero ang tanong ay, hindi ba ito nakasisira sa iyo sa pananaw ng iyong boyfriend?
Kung hindiy huwag mo na lamang pansinin ang mga persecutors mo.
Sabi nga ng kawikaang Inggles, "sticks and stones can break my face but words cant hurt me."
Tungkol sa kasal, iya y isang bagay na pinag-iisipang mabuti. I think youre still young to get married.
Economically and emotionally, handa na ba kayo? Kung hindi, saka na muna iyan.
Dr. love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am