^

Dr. Love

First love never dies

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ng staff ng PSN.

Na-inspire po akong lumiham sa inyong column dahil alam kong mahusay kayong magbigay ng payo sa mga may problema sa puso. Ngayon po ay kailangan ko ng inyong advice.

Ito po ay may kinalaman sa aking first love na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalilimutan. Mula nang mag-aral ako, hindi po ako nag-entertain ng manliligaw dahil priority ko ang aking pag-aaral.

Subali’t anim na buwan bago mag-graduation, dumalo ako sa kasal ng aking kaibigan dahil isa ako sa naging bridesmaid. Dito ko nakatagpo muli ang aking kaklase noong high school.

Pagkaraan ng graduation ko sa college, sinagot ko na ang classmate kong ito dahil nararamdaman kong mahal ko siyang talaga. Masaya kami at ipinakilala pa niya ako sa pamilya niya. Pinagtiwalaan ko naman siya at ang akala ko, kami na talagang dalawa ang magkakatuluyan.

Subali’t mali pala ang sapantahang ito dahil ipinagpalit niya ako sa iba nang lumuwas siya ng Maynila para magtrabaho dahil naiwan ako sa probinsiya.

Nakipagkalas na ako sa kanya subali’t damdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa ginawa niyang ito sa akin.

Gusto ko sana siyang malimutan pero lagi ko siyang naiisip. Natatakot po akong humanap ng iba dahil ayaw ko nang dumanas muli ng pagkasiphayo.

Ano po ang dapat kong gawin? Sana po sa pamamagitan ng column ninyo ay magkaroon ako ng maraming kaibigan sa panulat.

Thank you very much.

Miss Blue,
(Maribelle Luzon
Blk. 3 Lot 10 Doña Juana Subd. III,
Santolan, Pasig City 1610)


Dear Miss Blue,


Huwag mo nang masyadong iluha ang pagtatalusira ng first love mo. Mabuti ngang hanggang maaga ay nakilala mo ang kahinaan niya kaysa kung kayo ay kasal na at mag-asawa.

Kung minsan, ang buhay ay hindi laging masaya. Paminsan-minsan kailangang dumanas ka ng pagluha para makita mo ang pagkakaiba ng mukha ng buhay.

Talagang hindi para sa iyo ang first love mo. Malay mo, sinadya ito ng Panginoon dahil mahal ka niya at hindi niya nais na magkaroon ka ng sama ng loob kung mag-asawa ka na.

Huwag mo ring ibunton sa iba ang masamang karanasan mo sa unang pag-ibig. Makikita mo, sa sandaling makilala mo ang tunay na magmamahal sa iyo, tatawanan mo lang ang pangyayaring minahal mo ang isang lalaking hindi nagpapahalaga sa iyo.

Smile and the world smiles at you. Kalimutan mo na si first love mo.

Dr. Love

AKO

DAHIL

DEAR MISS BLUE

DR. LOVE

HUWAG

JUANA SUBD

LOVE

MARIBELLE LUZON

MISS BLUE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with