Teenage love ni Ms. Aquarius
June 19, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una po sa lahat, binabati ko kayo ng magandang araw. Kaya po ako sumulat sa inyo ay gusto ko pong malaman kung mali o hindi ang ginagawa ko at nais ko pong mabigyan ng makatotohanang payo.
Si Mr. June ay sinagot ko noong 25 ng Enero dahil natakot po ako na umayaw siya akin kung magpapakipot pa ako nang husto.
Nang sabihin ng kaibigan ko na parang umaayaw na si Mr. June na manligaw sa akin, kaagad akong sumulat sa kanya at sinagot ko siya.
Hindi ito alam ng aking pamilya bagaman alam kong botong-boto sa akin ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.
Ang problema ko po ngayon ay parang gusto ko nang kumalas sa kanya.
First month anniversary po namin noong 25 Pebrero. Pumunta siya sa amin pero hindi ko siya kinausap kasi po baka pagalitan ako ng parents ko na tila nakakahalata na sa aming relasyon.
Hindi na po kami nag-uusap o nagkikita ngayon dahil ayaw na akong pauwiin sa bahay ng mga magulang ko at lagi nila akong pinatitira doon sa mga tita ko.
Lagi po akong pinagagalitan ng aking mga magulang tungkol kay Mr. June. Sana po bigyan ninyo ako ng kaukulang payo sa problema ko. Maraming salamat po.
Ms. Aquarius
Dear Ms. Aquarius,
Hindi naman masama ang umibig. Subali't maaaring kaya hinihigpitan ka ng iyong mga magulang ay dahil napakabata mo pa para pumasok sa ganitong pakikipagrelasyon at mapabayaan mo ang pag-aaral at hindi ka makatapos sa gusto mong karerang propesyon.
Maaaring napakabata pa rin ni Mr. June at ang iniiwas ng iyong mga parents ay kapwa kayo matangay ng inyong kapusukan.
Kailangang maipakita mo sa mga miyembro ng pamilya mo na kaya mong panindigan ang pag-aaral mo at kahit na mayroon kang nobyo, kaya mong pigilan ang iyong sarili.
Sa ganyang paraan, hindi matatakot ang mga magulang mo para sa iyo dahil nauunawaan mo ang maaaring ibunga ng kapusukan ng kabataan.
Sa ngayon, masasabing puppy love pa lang ang nararamdaman mo at sa pag-usad ng mga panahon, higit mong mauunawan na kailangan ang paggamit ng isip sa pagpili ng boyfriend at hindi puro puso lang ang paiiralin.
Tiyakin mo muna sa sarili mo kung ano ang dapat mong bigyan ng prayoridad. Ang pag-aaral ba at pagpapaunlad ng sariling kakayahan o ang pakikipagnobyo?
Mahal ang magpaaral ng mga anak at kung hindi rin lang pagbubutihin ang pag-aaral ng isang estudyante, masasayang lang ang ginastos na pera ng mga magulang mo.
Alam mo, kung nakatapos ka na ng pag-aaral, may sarili kang pagkita at tapos ka na ng obligasyon mo sa pamilya, ang sarap ng pakiramdam. Mas marami pang higit na mabubuting kabinataan ang lalapit sa iyo para manligaw.
Sana maunawaan mo ang sinasabi ko.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended