May problema si Ms. Libra

Dear Dr. Love,

First of all, I want to greet you and all the staff of PSN.

Just call me Ms. Libra and I'm 19 year old.

Ako po ay isang saleslady sa isang grocery dito sa Pasig. Ang problema ko po ay tungkol kay Mr. Leo na isang kasamahan ko sa trabaho.

Mabait siya at maalalahanin sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan kay Mr. Leo ay kung ano ang pakay niya sa akin.

Siya ba ay nanliligaw o nakikipagkaibigan lamang? Pero iba po ang feelings ko para sa kanya.

Hindi naman po siya nagpo-propose sa akin nang panliligaw. Puro palipad-hangin lang ang sinasabi niya sa akin kung kami ay nagka-kausap. Ano po ba ang palagay ninyo, may damdamin ba kaya siya sa akin? O talagang nakikipagkaibigan lang siya sa akin?

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo sa problema ko.

Thank you and more power,
Ms. Libra of Pasig


Dear Ms. Libra,


Nauunawaan ko ang iyong damdamin. Talagang mahirap sa isang babae ang siya pang maunang magsasabi sa lalaki na gusto niya ito.

Mayroon namang mga lalaki na hindi alam kung paano makapagtatapat sa isang babaeng napupusuan kung kaya't nagpapalipad-hangin lang at idinadaan sa biruan ang pagsasabi ng damdamin.

Kung si Mr. Leo ay may ganitong personalidad, maaaring may kursunada siya sa iyo. Kaya nga lang, maghintay ka kung kailan siya magkakalakas ng loob na magsabi ng damdamin.

Bakit hindi mo subukang alamin sa iba ninyong kasamahan kung talagang may kursunada sa iyo si Mr. Leo? Ang pagtatanong ay hindi dapat garapal kundi padaplis lang. Maaari mong itanong kung si Mr. Leo ay mayroong girlfriend o nililigawan.

Kung wala at umabot sa kanyang kaalaman ang pagtatanong mo at wala pa siyang hakbang na ginagawa, maghanap ka na ng ibang manliligaw na may lakas ng loob na makapagtatapat ng damdamin.

Dr. Love

Show comments