Kissing Cousins
May 21, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Im one of your avid readers. This is my first time to write to you. I wrote because I need your advice.
Tawagin na lamang po ninyo akong Ana, 21 years-old. Hindi ko po alam kung ipagpapatuloy ko pa ang pakikipagrelasyon ko sa aking second cousin. Alam kong hindi dapat sa una palang naming pagkikita pero ipinagpatuloy pa rin namin ang aming pagmamahalan. Isang araw, napagpasyahan niyang umuwi sa kanilang lugar. Wala akong nagawa kundi payagan siyang umuwi. Matagal bago ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Kapag kausap ko siya, hindi ko alam kung mahal pa niya ako o hindi na. Nagmamadali siyang kausapin ako at agad na binababa ang telepono. Pero kapag yung ibang mga pinsan ko ang kausap niya, hindi siya nagmamadali.
Habang tumatagal, napapansin kong nawawala na ang pagtingin ko sa kanya at parang nawalan na rin ako ng gana sa kanya. Dati, kahit sa panaginip ko lang siya nakikita ay masaya na ako. Ngayon, kahit naririnig ko ang boses niya sa phone, parang wala pa rin akong gana na makipag-usap sa kanya.
Ano po kaya ang dapat kong gawin? Dapat pa ba naming ituloy ang aming pag-ibig? Hindi ko alam ang aking gagawin kapag nawala siya nang tuluyan sa akin dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin at siya rin lang ang gumalang sa akin. Kahit minsan ay hindi niya ako binastos sa maraming tao.
Hanggang dito na lang at sana ay mabigyan mo ako ng payo. Maraming salamat.
Lubos na gumagalang,
Ana
Dear Ana,
Kung tinatabangan ka na sa kanya at siya man ay ganoon din sa iyo, di mas mabuti. Hindi na kayo mahihirapan pang putulin ang inyong relasyon na sa simula pa lang ay bawal na dahil kayo ay magpinsan.
Ang sabi mo ay nawawalan ka na ng gana sa kanya pero hindi mo kayang mawala siya sa iyo. Hindi naman consistent ang sinasabi mo.
Marahil ay naiisip na rin mismo ng karelasyon mo na hindi dapat na magpatuloy pa ang inyong relasyon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended