^

Dr. Love

Nanghihinawa na ako sa kanya

-
Dear Dr. Love,

Just call me Cindy. Mayroon po akong live-in partner for almost one year at balak ko pong pakasal kapag ako’y makabalik na sa ating bansa.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking live-in partner. Mahal na mahal ko po siya at ang turing ko sa kanya ay asawa na. Isa po siyang security guard na sa pagkakaalam ko ay siyang tagapagtupad ng mga batas na dapat sundin at igalang ng lahat.

Nguni’t kabaligtaran po ang ginagawa niya. Maraming beses po akong pumupunta sa kanyang trabaho noon at lagi ko siyang naaabutang nagsusugal, umiinom ng alak at ang mga binibiling magasin ay yaong malalaswa.

Lagi po niya itong ginagawa kung Sabado at Linggo o kaya’y kapag panggabi siya.

Ipinaliwanag ko po sa kanya na ang mga ginagawa niya ay hindi sang-ayon sa aking pananaw sa buhay at ito ay dapat niyang baguhin. Nangako naman po siya pero hindi naman niya tinutupad.

Kapag pinagsasabihan ko siya ay sinisigawan niya ako. Huwag ko na lang daw siyang pansinin para hindi kami mag-away. Pero hindi po ako kumbinsido sa kanyang katwiran.

Ang ginagawa ko raw ay parte ng aking kahigpitan. Sa totoo lang, unti-unti nang nawawala ang aking pagmamahal sa kanya. Kung magpapatuloy pa ang ganito niyang gawain, tama po bang iwanan ko na siya at huwag nang balikan? Gusto ko po kasi na ang aking asawa ay isang modelong ulo ng tahanan at ng bayan.

Dr. Love, tama po ba ang aking pananaw na ang mga security guards ay hindi dapat na mag-tong its, maglasing at magbasa ng mga malalaswang babasahin lalo na’t naka-duty?


Naghihintay sa inyong kasagutan,

Cindy

Dear Cindy,


Hindi kita masisisi kung ngayon ay nanghihinawa ka na sa live-in partner mo. Ang hula ko, isa kang OCW na umaasang makaipon at sa sandaling matamo ang nilalayon, handa nang manatili sa bansa, lumagay sa tahimik at magpundar ng maliit na negosyo.

Kung malayo kayo sa isa’t isa, makapag-iisip-isip ka nang mabuti kung tama nga ba o hindi ang ginawa mong desisyon sa pagkakapili ng live-in partner.

May sarili kang mga hinahanap na katangian sa isang lalaking nais na makasama sa habampanahon at hindi mo gustong magkamali sa desisyong ito. Tama ba o mali?

Bagaman ang mga kamaliang nakikita mo sa ka-live-in mo ay hindi naman masyadong grabe, sa palagay ko ay may iba pang mas mabibigat na dahilan kung bakit nanghihinawa ka na sa kanya.

Karapatan mong mag-isip-isip. Kung sa maliliit na bagay lang ay hindi siya makasunod sa mga nais mong pagbabago sa kanya, sa mas malalaki pa kayang bagay kung kayong dalawa ay kasal na?

Sa isang dako, kung nais mong magbago ang isang lalaking mahal mo, magagawa mo ito sa pamamaraang magaan at hindi nagmumukhang dinidiktahan mo siya.

Ang masama, nangangako siya na hindi naman natutupad.

Nasa iyo ang pagpapasya. Hindi magandang ipagpatuloy mo ang isang relasyon sa lalaki na hindi mo nirerespeto. Mas maaga, mabuting sabihin mo na sa kanya ang desisyon mo.

Goodluck to you.

Dr. Love

CINDY

DEAR CINDY

DR. LOVE

KUNG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with