Bakit ba siya ganoon?
April 16, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Nais ko pong ihingi ng payo sa inyo ang problema ko at alam kong matutulungan ninyo ako.
Tawagin na lamang ninyo akong Mardie. Nakilala ko si Marcelo dito sa Olongapo City. Nag-aaral siya sa isang Marine school malapit sa amin. Madalas siyang kumain at mamasyal sa amin kasama ang mga classmates niya. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagka-crush na agad ako sa kanya. Matagal ko ring itinago na crush ko siya. He is very smart, cute and a neat person. Napapansin din ng mother ko ang mga katangiang ito ni Celo. December 1999, Christmas party nila, naimbitahan ako ng isa sa mga sponsors. Nakita ko siya and I was so happy. I’ve heard na girlfriend niya yung sponsor niya. Di-nagtagal, naging close siya sa amin, sa mother ko at sa mga pinsan ko. Gumagawa ako ng paraan para malaman ko kung pumasok siya o hindi. Minsan, tinukso siya ng kaibigan niya. Wala na raw itong girlfriend ay bakit hindi raw ako ligawan. Sa paulit-ulit na tukso sa kanya, nararamdaman kong nadadala na rin siya. Ngunit hindi siya nagpapahalata.
Noong March 17, 2001, nagkaroon ng Students’ Night. Nagpunta siya sa amin at ipinag-paalam niya ako sa mother ko. Expected ko na susunduin niya ako pero hindi siya dumating. Nagpunta pa rin ako sa school at alam kong nakita niya ako doon pero hindi niya ako pinansin. Natapos ang party na hindi man lang niya ako isinayaw at di-nagpaalam noong umuwi siya. Nainis ako sa ginawa niya.
Balak kong gumanti sa kanya pero nagdadalawang-isip ako dahil baka lalong mapalayo ang damdamin niya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin para magkalapit kami?
Mardie
Dear Mardie,
Nahihiwagaan din ako sa inaasal ni Celo. Bakit ininvite ka pa niya tapos hindi ka niya papansinin?
Pero huwag kang gumanti. Hindi mo pa naman siya boyfriend.
Next time na anyayahan ka niya at di ka niya pansinin, ikaw na ang unang bumati sa kanya and thank him for the invitation.
Be a nice friend to him at bayaan mong manatili ang inyong friendship para higit mo pa siyang makilala.
If you’re meant for one another, I’m sure liligawan ka niya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am
November 23, 2024 - 12:00am