Ibig makipag-break

Dear Dr. Love,

Greetings to all the staff of PSN. Sana, you’re all in good health. I’m one of your avid readers in this column. I wrote you ’coz I need your advice.

Tawagin n’yo na lang po akong Lera, 19 years old. Ako po ay may boyfriend na. Tawagin n’yo na lang po siyang C.G. Matanda po ako sa kanya ng isang taon. Lagi pong sinasabi sa akin ni C.G. na mahal na mahal daw niya ako at hinding-hindi raw niya ako iiwan. Sa totoo lang po, mahal ko rin siya subalit nag-aalinlangan po ako sa mga sinasabi niya kung totoo o hindi. Kasi po, ayoko nang masaktang pang muli. Magtatatlong buwan na po ang aming relasyon pero hindi ko pa rin lubos na nakikilala ang tunay niyang pag-uugali at isa pa, siya ay nasa Cavite samantalang ako po ay nandito sa Bulacan. Dumaladaw lang siya sa akin dalawang beses sa isang buwan.

Gusto ko na pong makipagkalas sa kanya. Minsan nga’y sinabi ko na sa kanya ’yon subalit ayaw niyang makipag-break sa akin. Dr. Love, ayoko po sa ugali ng boyfriend ko. Masyado siyang mahigpit at seloso, ’yun pa naman ang ayaw ko sa lalaki.

Ano po ang dapat kong gawin? Dapat na ba akong makipagkalas sa kanya o bigyan ko pa ng isa pang pagkakataon? Hanggang dito na lang po.

Thank you.

Lubos na gumagalang,
Lera Bautista



Dear Lera,


Sa pagdidesisyon, timbangin mo ang magagandang katangian at kapintasan ng boyfriend mo.

Hindi ko magagawa iyan para sa iyo. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya.

Kung ang good qualities niya ay marami at ang kapintasan lamang niya ay ang pagiging ‘seloso’ palagay mo ba’y dapat kang makipag-break sa kanya?

Nasa iyo ang desisyon.

Dr. Love

Show comments