Problema ni Bhaby

Dear Dr. Love,

Greetings to all the staff of PSN. First time ko pong sumulat sa inyo dahil gusto kong humingi ng advice.

Ako po si Bhaby. Mayroon po akong boyfriend — si Dave. Mabait siya, sweet and loving. Dati po ay galit na galit ako sa kanya. Palagi niyang sinasabi sa akin na "I love you" at ang sagot ko naman sa kanya "I hate you". Totoo siguro yung kasabihan na "the more you hate, the more you love." Ang tagal-tagal po bago ko siya sinagot. Nakita ko sa kanya na siya ay sincere at naramdaman ko rin na mahal niya ako. Masaya po kaming dalawa ngunit minsan may misunderstanding pero ito ay naaayos din kaagad dahil natural lang iyon sa isang relasyon.

Pero Dr. Love, ayaw ng pamilya ko kay Dave. Siguro dahil siya ay naninigarilyo o dahil sa kanyang nakaraan. Lagi niya po akong tinatanong kung kaya ko raw siyang ipaglaban ngunit ito ay hindi ko nasasagot.

Tulungan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin para magustuhan nila si Dave at ang dapat kong sabihin sa kanya upang tigilan na niya ang paninigarilyo. Dr. Love, gusto ko sanang sabihin ito kay Dave.

For U Dave,

Thanks 4 the love and care U showed me,

I’ll never 4get the way you cared 4 me,

The hours that we spent talking and laughing and the feelings you shared, Always bear in your mind that no matter what happens, I’m always here 4 U,

God bless and take care!!!!

Lubos na umaasa,
Bhaby ng Maynila



Dear Bhaby,


Ilang taon ka na ba? Kung menor-de-edad ka, maaaring saklawin ng iyong mga magulang ang iyong desisyon lalo na sa pag-ibig. Likas sa sinumang magulang na pangalagaan ang kanilang mga anak.

Kung nasa tamang edad ka na, maaari ka nang makapagdesisyon nang malaya. Gayunman, sa kulturang Pilipino, madalas pa rin tayong ginagabayan ng ating mga magulang sa ating mga desisyon.

Kung inaakala mong nasa wastong edad ka na, ang payo ko’y kilatisin mo ring mabuti ang pagkatao ng iyong boyfriend. Huwag kang padaig sa physical attraction at alamin mo ang kanyang tunay na ugali at pagkatao para hindi ka magsisi sa dakong huli.

Dr. Love

Show comments