^

Dr. Love

May pananagutan na ang love ko

-
Dear Dr. Love,

Bago po ang lahat, gusto ko po sanang batiin ko kayo sa nakapaganda ninyong column. Tiyak kong marami na kayong natulungang may problema sa puso sa mga nababasa kong liham at mga payong makatotohanan.

Itago na lang po ninyo ako sa pangalang "Miss Virgo Girl" ng Candelaria, Quezon.

May nanliligaw po sa aking isang mekaniko. Nakilala ko po si Mr. Sagittarius sa paaralang pinaghahatiran ko sa batang alaga ko.

Kaibigan si Mr. Sagittarius ng isang kaibigan ko rin na siyang nagpakilala sa akin.

Bago po siya nanligaw sa akin, sinabi niyang mayroon siyang asawa at anak. Ngayon po, habang tumatagal ang aming pagkikilala ay unti-unting napapamahal siya sa akin. Gusto ko na po sana siyang iwasan dahil alam kong masasaktan lang ako. Ang kaso tuwing maghahatid po ako ng bata sa school ay lagi niya akong inaabangan sa labas ng gate.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Sana po mapagpayuhan ninyo ako sa problema ko.

God bless you and more power.

Gumagalang,
Miss Virgo Girl



Dear Miss Virgo Girl,

Maraming lalaki ang tulad ni Mr. Sagittarius na laging naghahanap ng malolokong babae. Nagpapakita silang tapat sa pagsasabi ng katotohanan sa kalagayan nila sa buhay dahil kung magkabukuhan man, mayroon silang lusot sa batas na hindi ka niya niloko dahil alam mo namang mayroon siyang asawa at anak.

Lumang tugtugin na ang ginagawa niya. Kaya naman, huwag ka sanang padadala sa matamis niyang dila.

Kung nagagawa niyang lokohin ang kanyang legal na asawa, kung bumigay ka sa kanya, wala ka namang habol kung lokohin ka man niya sa dakong huli.

Naghahanap lang si Mr. Sagittarius ng mabibitag na babae para maging makulay ang kanyang buhay. Huwag kang patatangay sa simbuyo ng feelings mo kung mayroon ka mang crush sa kanya dahil ikaw ang kawawa sa dakong huli.

Ang isang manliligaw na may asawa ay kaiba kaysa manliligaw na binata. Hindi sila nasisiyahan kung hindi nila nakukuha ang puri ng isang babae.

Sabihan mo siya nang prangkahan na huwag kang istorbohin. Hindi naman magpipilit ang isang lalaking may asawa sa pagpapahangin sa isang babae kung alam niyang hindi ka puwedeng maloko.

Tatagan mo ang iyong sarili at matuto kang magsabi nang hindi.

Pagsabihan mo siya na isusumbong sa amo mo kung hindi siya titigil sa pang-iistorbo sa iyo. Tingnan mo, hihinto na siya sa kaaabang sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

CANDELARIA

DEAR MISS VIRGO GIRL

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUWAG

KUNG

MISS VIRGO GIRL

MR. SAGITTARIUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with