^

Dr. Love

T-bird ang siyota

-
Dear Dr. Love,

Hi ! Ako po ay isa sa marami ninyong tagasubaybay. Noon pa po sana ako susulat kaso ay busy po ako sa pag-aaral. Sana po ay ma-publish n’yo ito sa Oct. 12 dahil iyon po ang b-day ko. Tawagin n’yo na lang po akong Micaela. Ang problema ko po ay ang bf kong tomboy. Ayaw ko po siyang saktan at lokohin pero ang feeling ko po ay niloloko niya ako dahil ang layu-layo po namin sa isa’t isa at hindi na po siya nagpupunta dito sa amin. Dr. Love, nawawala na po ang feelings ko sa kanya. Umiibig po ako sa classmate ko na si Franklin. Ewan ko po kung love po ito dahil 16 years old pa lang ako. Dr. Love, paano ko po sasabihin sa tomboy na bf ko na hindi ko na siya mahal? Gusto ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Bye and thanks!!!

Micaela


Dear Micaela,


Sorry kung na-late ang pagpa-publish ng letter mo. Marami kasi akong mga natatanggap na sulat. Anyway, naririto ang aking payo.

Kapag ang babae’y nakipagrelasyon sa kapwa babae o kaya ang lalaki’y umibig sa kapwa lalaki, wala silang ibang niloloko kundi ang kanilang sarili.

Hindi dinisenyo ng Diyos ang tao para umibig at makipagrelasyon sa taong kapareho nila ang gender.

Nilikha ng Diyos ang babae at lalaki para sa isa’t isa upang sa kanilang pag-iibigan ay maipagpatuloy ang buhay na Kanyang sinimulan.

Kaya kung mahal mo ang Diyos, susundin mo ang Kanyang kagustuhan.

Limutin mo ang siyota mong t-bird dahil hindi ka niya dadalhin sa mabuti.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR MICAELA

DIYOS

DR. LOVE

EWAN

KANYANG

KAPAG

KAYA

MICAELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with