Tiny Swan
October 31, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello. May the blessings of our Almighty God be with you and all PSN staff. Just call me Tiny Swan, 18 years-old. Kaya po ako sumulat ay para humingi ng advice tungkol sa ex-bf ko. Noong 4th year high school ako ay naging boyfriend ko po si Mr. Kissable Lips. Wala naman po akong masasabi sa kanya. Lahat ng gusto ko sa isang guy ay nasa kanya na. Nakipag-break ako sa kanya noong mag-college ako. Kahit na mahal ko siya ay napilitan akong makipag-break sa kanya dahil ayaw ko na masaktan siya kapag nalaman niya na hindi ako sa school niyang pinapasukan papasok. Hindi siya pumayag noong una pero bandang huli ay ginalang din niya ang pasya ko. Pero pagkalipas ng ilang buwan ay nagsisi ako sa ginawa ko. Hindi ko pala kayang wala siya sa tabi ko. Gumawa siya ng paraan para makipagbalikan ako sa kanya pero hindi ko ito inintindi. Hanggang ngayon ay gumagawa pa rin siya ng paraan para magkabalikan kami kaya lang ay hindi ko alam ngayon kung bakit bigla itong nahihiya kapag nakikita ako. Tulungan po ninyo ako kung paano ko sasabihin sa kanya na payag na akong makipagbalikan sa kanya. Wala pa po siyang girlfriend hanggang ngayon at ako pa rin ang mahal niya. Ano po kaya ang gagawin ko para malaman niya na gusto ko nang makipagbalikan sa kanya? Nahihiya naman po ako na ako ang gumawa ng first move kasi babae ako. Pero hindi ko naman siya masabihan na mag-propose uli kasi nakapag-propose na ito kaya lang ay deadma ito sa akin kaya siguro ayaw na niyang gawin ito kasi hindi ko naman siya inintindi noong nag-propose siya. Sana naman po ay matulungan ninyo ako para magkabalikan kami uli. Nami-miss ko na po ang pagiging sweet niya sa akin. Gusto ko po sana bago dumating ang b-day niya sa Nov. 3 ay kami na uli.
Hanggang dito na lang po at aasahan ko ang advice ninyo sa akin. God bless you and more power.
Gumagalang,
Tiny Swan
Dear Tiny Swan,
Nagbabalik na pala siya sa iyo pero hindi mo pinansin kaya ngayoy nahihiya na siyang makiharap sa iyo.
Nagkaroon naman kayo ng pinagsamahan noon. Hindi masamang ikaw ang unang lumapit if only for friendship na siguro namay hindi pa nawawala sa inyong mga puso.
From there, you can start all over again. Kung may feelings kayo sa isat isa, tiyak kong manunumbalik ang dati ninyong pag-iibigan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended