^

Dr. Love

Puppy love o true love?

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Kapag nagbabasa po ako ng dyaryo, hindi ko po nakakaligtaang basahin ang column n’yo. Second year high school po ako nang makilala ko si Tom. Transferee siya kaya wala siyang makausap. Agad niya akong nilapitan at nakipagkuwentuhan at naramdaman ko na crush ko siya. Mula noon naging close na kami. Tuwing may problema siya, sinasabi niya sa akin. Pumupunta siya sa amin at kung minsan nga ay tinutulungan niya ako sa paglilinis. Kapag may problema ako, hindi na niya ako tinatanong. Kung minsan ay may mga group study kami at lagi na lang gamit ko ang hinihiram niya. Minsan nga eh dalawa na lamang kaming cleaners at hindi niya ako iniiwan at hinihintay pa ako. Dumating ang time na nalaman niya na crush ko siya dahil sa kaibigan ko. Umiwas ako pero lalo pa siyang lumapit sa akin. Dahil sa matalino siya, hindi ko na siya naging kaklase. Ako ang nagbago dahil nahihiya ako sa kanya pero naroon pa rin ang paghanga ko sa kanya. Hanggang sa mag-fourth year na kami at bago mag-close ang klase namin, nakasalubong ko siya at kinausap pero hindi siya makatingin sa akin. Sa ngayon po ay second year college na kami at nabalitaan ko na magta-transfer siya sa second sem dahil nami-miss na raw niya ang kanyang mga barkada. Sa ngayon ay nag-aaral siya sa kilalang unibersidad sa Maynila.

Hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin siya makalimutan. Ang itatanong ko lang po ay kung nagka-crush din siya sa akin. Sa palagay po ba ninyo ay pag-ibig na ito o puppy love? Sana po ay matulungan n’yo ako sa lalong madaling panahon.

Respectfully yours,

Cindy




Dear Cindy,


Ang pag-ibig ay nag-uumpisa sa paghanga. Maaaring hangaan ang isang tao dahil sa kanyang talino o kaya’y magandang pisikal na anyo.

At sa paglipas ng panahon, habang nabubunyag ang inner qualities ng isang tao upang lalo siyang makilala ng humahanga sa kanya, doon nababatid kung pag-ibig nga o paghanga lamang ang nadarama ng huli para sa kanya.

May mga taong sa simula’y maaari mong hangaan pero ang paghangang ito’y kumukupas dahil marahil sa ugali niyang makaka-turn-off sa iyo.

Mayroon namang iba na habang tumatagal ay lalong tumitindi ang paghanga mo. Mayroon ding iba na habang nakikilala mo ay natatanto mong kaibigan lang pala ang turing mo sa kanya.

Sa tanong mo kung "puppy love" o "true love" ang nadarama mo sa lalaking hinahangaan mo’y tanging ikaw lang ang makapagsasabi.

Ang payo ko ay manatili kang kaibigan sa kanya at panahon lang ang magbibigay ng kumpirmasyon kung kayo’y sadyang para sa isa’t isa.

Dr. Love

AKO

DEAR CINDY

DR. LOVE

HANGGANG

KAPAG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with