^

PSN Showbiz

Bela naghihintay pa sa annulment ng bilyonaryong karelasyon?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela naghihintay pa sa annulment ng bilyonaryong karelasyon?!
Bela Padilla at Martin Tan

‘For court purposes only’ ang pakiramdam ng source kaya more than a month ago ay nag-post si Bela Padilla na nag-decide silang maghiwalay ng tech CEO na si Martin Tan at aniya ay magpatuloy sa kani-kanilang buhay matapos ang walong buwang relasyon.

Ibinahagi ni Bela ang update na ito sa isang Instagram post last September kung saan sinabi niyang pinasasalamatan niya ang ex dahil sa naging relasyon nila.

Si Martin Tan ay ang only son ng bilyonaryong si Lo­renzo Tan.

Inamin ni Bela sa nasabing post na ilang buwan na silang nagde-date ni Martin, at ito ang unang relasyon daw niya kung saan talagang nahulog ang loob niya dahil pareho silang mahilig sa pelikula, food markets, at kanilang trabaho; at higit daw sa lahat, mahal nila ang simpleng pagsasama.

Pero sa tingin daw niya, minsan, ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan din ng pag-alam kung kailan dapat bumitaw—bago pa man mawala ang mga magagandang bagay na nakita ninyo sa isa’t isa.

“I kept things private mostly because this was also my first relationship where I felt most like and unlike myself. I’m writing this because we all enjoyed the videos of us in the legazpi market. We all saw a new couple, a bit shy and awkward. But what you never got a glimpse of is us having the best and also hardest days for a couple of months now,” bahagi ng post niya that time.

Ex husband si Martin ni Maria Lorenzo kung saan ma­tagal silang tumira sa Amerika bago naghiwalay. Si Maria Lorenzo ay kapatid ng mister nina Erich Gonzales (Mateo Lorenzo) and Claudia Barretto (Basti Lorenzo). Ang isa pa nilang kapatid na Lucas Lorenzo ay ang diumano’y karelasyon ni Julia Barretto sa kasalukuyan.

Pero kahit daw matagal na hiwalay sina Maria Lorenzo at Martin Tan ay hindi pa tapos ang proseso ng kanilang annulment.

Anyway, pagkatapos ng nasabing annoucement ni Bela ay nakita silang magkasama ng ilang beses na ang latest nga ay nitong long weekend. 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with