91 testigo ni VP Sara, gigisahin sa ‘unexplained wealth’

MANILA, Philippines — Nakatakdang i-cross examine ng prosecution team ang 91 testigo na ihaharap ng defense team ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng kaso ng P817.87 milyong “unexplained wealth” o hindi maipaliwanag na paglobo ng kayamanan nito sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Senate impeachment court.
Sinabi ni House trial adviser at Spokesman Ace Barbers na ang sinasabing 91 inihandang testigo ng depensa ay mahihirapang ipagtanggol si VP Sara sa pinansyal na rekord na iprinisinta laban sa respondents sa pagpapatuloy muli ng paglilitis sa darating na Nobyembre 9.
“Kahit siguro 91 ‘yung kanilang witnesses na iyan,which I think, I’m not really sure if the 90 witnesses na kanilang sinasabi ay witnesses doon sa apat na articles or doon sa isang article. We’re limited only to Article II,” saad ni Barbers.
Inihayag ni Barbers na dapat magbawas na ng testigo ang defense team dahilan isang article na lamang ang tatalakayin sa Senate impeachment court.
Ginawa ni Barbers ang pahayag bilang tugon sa sinabi ni defense legal counsel Atty. Michael Poa na nasa mahigit 90 ang handa nilang iprisinta simula sa Nobyembre 9 na pagkakataon naman ng defense team na ipagtanggol si VP Sara.
Ayon kay Barbers ang Statements of Assets, Liabilities at Net Worth (SALNs) kung saan ipinakikita dito ang magkakahiwalay na deklarasyon na as walang cash on hand at zero cash rin sa bangko si VP Duterte mula 2022 hanggang 2025.
- Latest















