^

Police Metro

Mister ni VP Duterte, ang complainant sa kasong cyber libel vs Lustre  

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng abogado ni Philip Lustre Jr., na si Atty. Dino de Leon na si Atty. Manases “Mans” Carpio, na mister ni Vice President Sara Duterte, ang naghain ng kasong cyber libel matapos nilang makuha ang kopya ng impormasyon mula sa Davao City Regional Trial Court.

Nag-ugat ang kaso sa isang Facebook post ni Lustre noong Marso 6, 2026, na nag-uugnay umano kay Carpio sa isang maanomalyang transaksyon o operasyon na kinasasangkutan ng tinaguriang “18 Marines”.

Kasunod nang pag-aresto kay Lustre noong Oktubre 24, 2026, nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin ­“Boying” Remulla sa Department of Justice (DOJ) na paim­bestigahan ang proseso ng pagkakadakip sa mamamahayag.

Ayon kay Ombudsman Remulla, may posibilidad na dumaan sa isang “modus” o hindi tamang sistema ang kaso.

Iginiit ng kampo ni Lustre na hindi sila nakatanggap ng anumang subpoena o notice ukol sa preliminary investigation dahil ipinadala ito sa maling address.

Dahil dito, hindi nakapaghain ng counter-affidavit si Lustre bago­ ­tuluyang ilabas ng korte sa Davao ang warrant of arrest.

Binigyang-diin ni Remulla na karaniwang estilo ng ilang nagdedemanda ang magbigay ng maling address ng inirereklamo sa mga ­prosecutor upang hindi ito makasagot at agad na matuloy ang pagpapalabas ng warrant.

Sinabi niyang dapat ay sinisiyasat mabuti ng mga prosecutor ang mga ganitong impormasyon upang maiwasan ang iregularidad.

Sa kasalukuyan, nakalaya pansamantala si Lustre matapos magpiyansa ng P48,000.

Plano ng legal team sa pamumuno ni Atty.De Leon na maghain ng motion to quash upang ipawalang-bisa ang naturang kautusan ng korte.

CYBER LIBEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with