42% ng Pinoy, tumutok sa VP Sara trial - SWS

MANILA, Philippines — Masusing sumusubaybay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang halos kalahati ng mga Pinoy, batay sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) mula Setyembre 21 hanggang 27.
Batay sa survey, nasa 15% ang ‘very closely,’ ang pagsubaybay sa pagdinig; nasa 28% naman ang ‘somewhat closely’; 21% ang ‘just a little,’ at 27% ang hindi sumusubaybay dito.
Anang SWS, nasa 9% ng mga respondents ang nagsabing narinig lamang nila ang tungkol sa impeachment trial sa nasabing panayam.
Lumitaw rin sa survey na mas kakaunting tao ang sumusubaybay sa impeachment ni VP Sara, kumpara sa impeachment nina dating Pang. Joseph Estrada at dating Chief Justice Renato Corona.
Nabatid na gumamit ang SWS ng face-to-face interviews sa nasa 1,500 adults.
Sa nasabing respondents, 600 ang mula sa Balance Luzon, at tig-300 mula sa Metro Manila, Visayas at Mindanao na mayroong sampling error na ±3% para sa national percentages.
- Latest















