Pamilya nalibing nang buhay sa Cebu landslide: 3 patay

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng pamilya ang nalibing nang buhay matapos na matabunan ang kanilang bahay na ikinasawi ng tatlong katao kabilang ang dalawang bata sa naganap na landslide sa Cebu City, kahapon.
Ang mga nasawi ay dalawang lalaki na may edad at 6 at isang 60-anyos na lalaki. Habang nakaligtas ang 38-anyos na nanay ng dalawang bata na dinala sa ospital.
Batay sa inisyal na ulat ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council o CCDRRMC, ang insidente ay naganap sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan sa Sitio Kandsrong Riverside, Barangay Pulangbato sa nasabing lungsod.
Dito ay lumambot ang lupa sa bundok na naging dahilan para matabunan ang bahay ng mga biktima.
Una nang na-recover mula sa gumuhong lupa ang mag-ina na agad na dinala sa pagamutan subalit nasawi ang bata.
Sa ginagawang rescue operation kahit malakas na ulan at pagkakaroon parin ng mga bahagyang pagguho ng lupa ay nakuha ang bangkay ng isang bata at isang matanda.
Pinayuhan ang mga residente na nakatira sa paanan ng bundok ng nasabing barangay ay umalis muna dahil paglambot ng lupa at walang tigil na pagbuhos ng ulan.
- Latest
















