^

PSN Opinyon

P817 million, hindi naideklara sa SALN ni VP Sara?

ON POINT - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

P817 million! Ito ang halaga ng assets at income na hindi naideklara sa SALN ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang financial interests ng asawang si Atty. Mans Carpio. Samantala, P98.66 million lamang ang deklaradong net worth niya noong 2025. Saan nanggaling ang pera?

Tingnan ang Cale88 Foods Corporation, banana chips exporter na konektado kay Carpio. P208.49 million ang kabuuang sales nito mula 2021 hanggang 2025. Noong 2024, umabot sa P150 million ang benta ngunit walang iniulat na rank-and-file employees; dalawa lamang noong 2025. Paano nangyari iyon?

Maaaring may subcontractors at distributors. Ngunit nasaan ang kontrata, invoices, production records at tax documents? Kung lehitimo ang operasyon, kailangang maipakita kung paano nagkaroon ng ganoong kalaking benta sa kabila ng kakaunting empleyado at iniulat na pagkalugi.

Mas maraming tanong sa P319.33 million na remittances mula China at Hong Kong. Ayon sa AMLC records, may mga transaksiyong na-flag dahil sa kakulangan ng malinaw na trade justification. Sino ang nagpadala? Anong produkto o serbisyo ang katumbas?

Nariyan din ang mahigit P96 million na manager’s checks mula sa joint accounts nina Sara at dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi porke nailipat sa manager’s check ay naglaho ang pera. Kanino ito? At dapat ba itong lumitaw sa SALN?

Nakalista ang Cale88 bilang business interest ni Carpio sa mga SALN. Ngunit ayon sa Ombudsman witness, walang nakasaad na kaukulang shares at acquisition costs sa ilang deklarasyon. Lalo pang dapat linawin ang ownership dahil walang natagpuang BIR record ng paglilipat ng shares.

Tandaan, ang SALN ay sworn statement, hindi simpleng listahan. Sinusumpaan ng opisyal ang katotohanan ng kanyang deklarasyon. Hindi rin magkakapareho ang sales, deposits, income at personal wealth. Kaya kailangang pagtugmain ang mga dokumento bago matukoy ang anumang hindi naideklarang ari-arian.

Simple ang tanong: Saan nanggaling ang pera? Kanino ang mga ari-arian? Bakit may mga pagkakaibang kinukuwestiyon sa SALN at financial records? May karapatang sumagot ang mag-asawa, ngunit kailangan ding suriin ang kanilang mga paliwanag. Ang SALN ay sinumpaang katotohanan, hindi basta papel na pinipirmahan.

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with