^

PSN Showbiz

Gary Valenciano., balik-music museum ng 10 gabi!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gary Valenciano., balik-music museum ng 10 gabi!
Gary Valenciano

‘Di susuko pagkatapos ng mahigit na apat na dekada

“Trying to keep up,” sagot ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano tungkol sa dumaraming young singers na nagti-trending ang mga kanta.

Kasi ‘yong mga kabataan ngayon pati ‘yong mga songwriters—it’s totally different, [the] way they come together and create their music. They can create it anywhere, at any time, at any place because they have all the gadgets [they need]—[like] recording a pretty good demo even [with] just their phone[s],” sabi pa niya kahapon sa media conference para sa kanyang pagbabalik sa Music Museum, Back At The Museum para sa 10 intimate nights.

“During my time, wala ‘yon. There was a certain space where we would retain all the melodies in our heads. But the new Gary Valenciano, of today’s era, [is] someone who really has a change with regard to fire and passion—every project I do is basically a passion project. Angeli is the one that takes care of what I will need to get out of a performance [because] I don’t bother myself with that. All I do is think [about] what the people can get from this performance, and I have ten more shows to do at the museum—[and] do that, so I’m really excited about it,” dagdag pang pahayag ng one and only Pure Energy.

Kaya hindi man napapanood sa malaking venue, hindi pa rin namamahinga sa pagco-concert si Gary V. Dahil andun pa rin ang demand at excitement ng kanyang fans.

Angeli at Paolo Valenciano

Magbabalik ang Back at the Museum para sa 10 intimate nights na puno ng musika, purpose at isang remarkable paglalakbay na patuloy na nagbibigay-inspirasyon.

May mga stage na higit pa sa pagiging simpleng venue.  Nagiging bahagi sila ng history ng isang artist.  At para kay Gary V., isa ang Music Museum sa mga lugar na iyon.

Aniya, mas intimate, mas nakikita niya ang audience - at sa 10-night concert series na mas maglalapit sa audience sa kanyang musika, testimony, at electrifying Pure Energy sa isang venue na naging saksi sa maraming memorable chapters ng kanyang extraordinary career.

Gaganapin ang shows sa lahat ng Thursdays at Saturdays ng October — October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29, at 31.

Special din ang 2026 run dahil isa ito sa highlights ng 40th anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na nakasama ni Gary sa kanyang journey throughout his career.

Bago pa man ang upcoming concert series na ito, nakapag-perform na si Gary ng 103 shows sa Music Museum — isang matibay na partnership na nabuo sa musika, hard work, constant intervention, at shared pursuit of excellence.

Pero sa likod nang lahat ng milestones na ito, may isang bagay na para kay Gary ay mas mahalaga kaysa sa mga numero.

Throughout his career, nanatiling anchor ni Gary ang kanyang faith in God. Ito ang gumagabay sa paraan ng pagharap niya sa kanyang music, purpose at maging sa mga challenges na kasama ng buhay sa spotlight.

Para kay Gary, ang patuloy niyang kakayahang lumikha, mag-perform at makaabot sa puso ng mga tao matapos ang mahigit apat na dekada ay isang patunay ng God’s grace — at dahilan para patuloy niyang ibigay ang kanyang very best.

Ito ang spirit na nasa puso ng Back at the Museum.

Unlike sa massive arenas kung saan ginawa ni Gary ang ilan sa pinakamalalaking productions ng kanyang career, may kakaibang charm ang Music Museum: close proximity.

Dahil mas kaunti ang barriers sa pagitan ng artist at audience, mas immediate ang bawat kanta, mas personal ang bawat kuwento, at ang bawat spontaneous moment ay nagiging experience na sabay-sabay na mararamdaman ng buong audience.

Following the successful 2023 run ng Back at the Museum, dumarating ang bagong edition na ito sa isa na namang meaningful point sa journey ni Gary.

Tinapos ng kanyang six-show Pure Energy: One Last Time concert series ang chapter ng kanyang solo concerts na ganoon kalaki ang scale — pero tiyak na hindi nito tinapos ang chapter ng kanyang pagpe-perform.

Pagkatapos nito, dinala ni Gary ang kanyang music sa Australia, New Zealand, at United States, kung saan nakasama niya ang Filipino communities overseas sa performances na hindi lamang entertainment kundi puno rin ng inspiration at encouragement na matagal nang bahagi ng kanyang calling bilang artist.

Patuloy rin ang kanyang creative journey sa iba’t ibang paraan.

Recently, nag-record siya ng bagong version ng kanyang classic na Babalik Ka Rin, arranged by Homer Flores, para sa remittance company na Sendwave. Binigyan nito ng fresh emotional resonance ang isang kantang matagal nang malapit sa puso ng generations of Overseas Filipinos.

Pumasok din siya sa bagong medium sa pamamagitan ng Unshaken With Gary V, ang kanyang iHeartRadio podcast na tampok ang heartfelt conversations kasama ang personalities tulad nina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Michael V, Coco Martin at Julia Montes, Kim Atienza, Paolo Valenciano, Gab Valenciano, Kiana Valenciano, at former Chief Justice CJ Sereno, among many other fascinating personalities.

Kinilala rin ang kanyang contribution sa Philippine music ng National Commission for Culture and the Arts sa pamamagitan ng SUDI National Music Awards, na nagbibigay-pugay sa mga artist na ang kanilang trabaho ay nagkaroon ng lasting contribution sa Filipino music and culture.

Kapag pinagsama-sama, ang mga milestones na ito ay nagsasabi ng isang kuwentong higit pa sa longevity.

Ipinapakita nito ang isang artist na patuloy na china-challenge ang sarili, bukas sa mga bagong paraan para makakonekta sa mga tao, at patuloy na hinahabol ang excellence gamit ang parehong passion na nagsimula sa kanyang journey mahigit apat na dekada na ang nakalipas.

Directed by Paolo Valenciano, with Mon Faustino as musical director, nangangako ang Back At The Museum ng 10 evenings kung saan ang spectacle ay hindi manggagaling sa laki ng production kundi sa kakaibang experience na mapanood at maranasan ang isang Gary V nang remarkably close.

Mas magiging special pa ang run na ito dahil makakasama ni Gary bilang special guest ang singer-songwriter na si Kakie, formerly known professionally as Frankie Pangilinan.

The songs. The stories. The movement. Ang unmistakable Pure Energy.

Pero higit sa lahat, ang connection.

AngBack At The Museum ay for the benefit of the Shining Light Foundation.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng ?10,000, ?7,500, ?5,000, ?3,000 at ?1,500.

For tickets, bisitahin ang premier.ticketworld.com.ph o mag-email sa [email protected] at [email protected].

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with