^

PSN Showbiz

Pops, yayakapin na ang pagiging senior!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pops, yayakapin na ang pagiging senior!
Pops Fernandez

Hindi lang basta nagkataon. May rason talaga si Pops Fernandez sa kanyang biyahe sa Los Angeles kamakailan.

Present nga si Pops sa seremonya noong September 4 kung saan iginawad kay Lea Salonga ang kanyang star sa Hollywood Walk of Fame—  ang kauna-unahang Pinay na tumanggap ng nasabing star.

But anyway, andun si Pops dahil invited pala siya ni Lisa Lew, ang chairperson ng Manila International Film Festival, na by the way ay may mga kumuwestyon sa mga nanalo sa kanilang Gabi ng Parangal, kaya naman na-witness ni Pops nang malapitan ang nasabing moment na aniya ay “fangirl moment” sa isang post niya kasama si Lea.

Sa kanyang post ng  ‘full coverage’ niya sa nasabing installation ng star ni Lea sa Walk of Fame, ang dami niyang naging happy moments.

Pero of course, any moment ay babalik na sa bansa si Pops.

Magce-celebrate siya ng kanyang 60th birthday na magaganap sa isang concert, Pops,  sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater.

At para bago sa mga manonood, ibabahin niya ang repertoire, mga kantang hindi raw niya masyadong ginagawa sa nakalipas niyang mga concert.

At kabilang dito ang isang bagong single, kasama ang ilang special guest.

Aniya, magiging special celebration ito hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa kanyang fans,

Ang Echo Jham Entertainment Production ang producer ng concert, kung saan si  Homer Flores ang music director at Calvin Neria ang director.

Well, masasabi ngang marami mang baguhang singer na sikat sa social media or other digital platforms, iba pa rin ang OG artist like Gary V., Pops and Lea Salonga.

Well, tulad ng ibang mga senior citizen, na may edad 60 pataas sa Pilipinas, siya ay tatanggap na rin 20% discount, exempted na sa  value-added tax (VAT), at iba pang benefits.

Pero sa totoo lang, physically wala sa hitsura ni Pops na 60 na siya sa December 12.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with