^

Police Metro

VP Sara sa mga supporter: Huwag mag-alala at ma-pressure

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang video message ang inilabas ni Vice President Sara Duterte para magpasalamat at magbi­gay-mensahe sa kanyang mga tagasuporta sa gitna ng mga kinakaharap niyang isyu pampulitika at mga kaso.

Sinabi niya sa publiko at sa kanyang mga tagasuporta na hindi nila kailangang ma-stress o mag-alala sa mga usaping tulad ng impeachment at mga kasong ibinabato sa kanya.

“Napakarami sa inyo ang nagpadala ng mga mensahe ng suporta, ­panalangin, at pag-aalala.Sa sobrang dami ng mensahe ay hindi ko na masagot ang bawat isa. Sa taumbayan lamang ang tiwala ko, at malaki ang ­aking pasasalamat dahil patuloy ang inyong pagtitiwala sa kabila ng walang tigil na political harassment mula sa administrasyon ni Marcos,” anang ikalawang pangulo.

Ayon kay Duterte, ang totoong pressure at kahihiyan para sa kanya ay ang pakiramdam na napakaliit ng kanyang naitutulong sa gitna ng pagdurusa ng mga Pilipino sa mga krisis tulad ng kagutuman, baha, at mataas na presyo ng mga bilihin.

Tiniyak din ni VP Sara na hawak man ni Marcos ang mga senador, fiscal, huwes at mga pulis, napakaraming abogado naman ang tumutulong upang ipaglaban at mapanalo ang mga kaso.

Sinabi ng ikalawang pangulo na “Sa bawat paglangoy ninyo sa baha, sa kagutuman ng inyong mga anak, sa hirap na dinaranas ninyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba’t ibang pasaning dulot ng administrasyon ni Marcos—nararamdaman kong hindi sapat ang aking nagagawa upang maibsan ang inyong paghihirap.”

 Panghuli, sinabi ni VP Sara na, “Busa, daghang salamat kaninyong tanan, sa inyong pagsalig, suporta, ug mga pag-ampo. Dili ko kamo kalimtan. Padayon nakong buhaton nga ibalik ang tapang at malasakit para sa atong nasud”.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with