Prinsipyo ng ‘double jeopardy’ ‘di angkop sa kaso ni VP Sara

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Impeachment Court na hindi naaangkop ang prinsipyo ng “double jeopardy” sa kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte, dahil ang impeachment proceedings ay hiwalay at naiiba sa mga kasong kriminal.
Ayon kay spokesperson Atty. Regie Tongol, ang double jeopardy ay mahigpit na naaangkop lamang sa sunud-sunod na paglilitis sa kasong kriminal.
Binanggit niya na ang Impeachment Court ay isang sui generis tribunal na may natatanging mandato sa ilalim ng Konstitusyon upang tukuyin ang political accountability at fitness for office, hindi penal liability.
Dagdag pa ni Tongol, nakasaad sa Article XI, Section 3, Paragraph 7 ng 1987 Constitution at pinagtibay sa kasong Estrada v. Desierto na maaaring magpatuloy nang hiwalay ang criminal prosecution mula sa impeachment.
“The issuance of a warrant and posting of bail at the regular courts for grave threats have absolutely zero legal implication on the ongoing impeachment trial,” ani Tongol.
- Latest























