373 pulis kinalat sa special election sa Cavite
CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — May kabuuang 373 tauhan ng pulisya ang idineploy para masiguro ang espesyal na halalan para sa puwestong nabakante ni dating Cavite 4th District Rep. Kiko Bargaza na napatalsik sa pwesto.
Sinabi ni Col. Ariel Red, Cavite police director, “all systems go” na ngayong araw kabilang ang 94 na tauhan ang nakatalaga sa mga polling centers, 32 sa checkpoint operation, 58 mobile patrols at 15 police escort security. Nasa 100 ang naka-deploy na friendly forces na binubuo ng 10 tauhan mula sa Bureau of Fire Protection at 30 sa Armed Forces of the Philippines, Coast Guard at 10 mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, at 50 volunteers force multipliers na inatasang mamahala sa daloy ng trapiko sa 1,308 clustered precincts sa 43 voting.
Naghanda rin ang Cavite Police ng contingency plan na binubuo ng 24 quick reaction team, 12 covert operations, apat na Comelec office security, at 134 iba pang essential support and security function.
Magsisimula ang mga botohan para sa senior citizen, person with disabilities (PWDs), kanilang katulong, at mga buntis na kababaihan alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga, habang ang PDL voting ay alas-3 ng hapon.
Sinabi ni Red, bukod sa deployment ng police personnel, desk information na may ambulansya, fire truck, at medical personnel ang nakatalaga sa bawat 43 voting centers.
- Latest





















