^

Police Metro

Akyat-bahay’ todas sa nakabarilang mga pulis

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano ay miyembro ng “Akyat-bahay” ang nasawi habang ­arestado ang kaniyang kasama matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay 287, Binondo, Maynila, nitong Martes ng gabi.

Inilarawan lamang ng mga awtoridad ang napatay na suspek na nasa edad 40 habang ang naarestong kasama ay  nasa 41-anyos; at kapwa miyem­bro ng “Commando Gang.”

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-10:00 ng gabi ay nakita ng isang concerned citizen ang dalawang lalaki na inaakyat ang gusali ng package delivery company sa lugar gamit ang mga lubid na ikinabit sa pagitan ng mga gusali para makalipat.

Humingi ito ng saklolo  sa mga barangay tanod at sa mga nagpapatrolyang tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 11.

Nabulabog at walang nanakaw ang dalawa matapos na dumating ang mga nagrespondeng pulis at tanod na kung saan ang isang suspek ay nahuli sa loob ng pinagnanakawang gusali, habang ang isa ay lumipat sa katabing abandonadong gusali gamit ang lubid hanggang sa masukol sa ikatlong palapag nito.

Sa halip na sumuko, naglabas ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis, na nagresulta sa palitan ng putok na ikinasawi ng suspek na umano ay may kasong droga habang ang naarestong kasama ay nasangkot sa mga kasong human trafficking at rape.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with