Tanod chief nahuling katalik ang dyowa ng kabaro, dinedo
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang hepe ng barangay tanod nang siya ay saksakin ng kabaro nang mahuli siya sa aktong nakikipagtalik sa kanyang dyowa, naganap nitong Biyernes ng gabi sa Purok 5, Barangay Labrador, Ormoc City.
Ayon sa impormasyon mula sa Ormoc City Police Station, ang suspek at ang dyowa nito ay kapwa 35-anyos habang ang biktimang tanod chief ay 55-anyos at lumalabas na love triangle ang motibo nang pananaksak.
Sa salaysay ng suspek sa mga otoridad na bago ang krimen ay susunduin na sana niya ang kanyang dyowa sa kanilang bahay dahil may pupuntahan silang okasyon.
Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang kanyang hepe at dyowa ay nagtatalik sa kanilang kuwarto.
Sa halip na komprontahin ay kumuha ang suspek na kutsilyo at pinagsasaksak ang mga ito.
Napuruhan ang chief tanod na agad na ikinasawi habang nasaksak naman sa dibdib ang dyowa nito na dinala sa ospital.
Nakuha rin ng mga otoridad ang kutsilyong ginamit sa pananaksak ng suspek na boluntaryong sumuko sa mga otoridad matapos ang krimen na kung saan ay sinampahan ng kasong murder at frustrated murder.
- Latest

















