^

Police Metro

Marcos bukas makipag-usap kay VP Sara

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukas umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-usap kay Vice President Sara Duterte kung sakaling hilingin nito.

Ito ang tugon ng Malacañang kasunod ng umikot sa social media ­nitong weekend na humi­ngi umano ng private meeting ang Bise Presidente sa Pangulo sa gitna ng mainit na ingay sa politika.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang kumpirmasyon ang kumalat sa social media na pakikipag-usap ni VP Sara sa Presidente pero kung mangyayari man ay bukas anya ito.

“Wala po tayong makukumpirma patungkol po diyan dahil wala naman din pong ibinababa sa atin na anomang impormasyon kung mayroon ngang ganyang kaganapan. So, sa ngayon ay wala tayong makukumpirma,” ani Castro.

Sa unang podcast aniya ni Pangulong Marcos Jr. ay nasabi nito na kahit sino, sa lahat ng maaaring hindi sumasang-ayon sa kanya ay bukas siyang makipag-usap hindi lang partikular kay VP Sara.

Wala aniyang ibang hangad ang Pangulo kundi magkaroon ng magandang pagkakaintindihan sa mga taong ayaw sa kanyang pagpapatakbo sa gobyerno.

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nagpapahayag ng anumang komento si VP Sara hinggil sa nasabing usapin.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with