Alas Girls kikilatisin ng Japan
MANILA, Philippines — Muling kikilatisin ang tikas ng Alas Pilipinas Girls sa pagharap nila sa Japan sa playoffs para sa ninth to 16th places sa FIVB Volleyball Girls U17 World Championship na lalaruin sa Santiago, Chile, ngayong araw.
Matapos ang historic run ng batang Nationals sa Liceo Mixto, San Felipe at Los Andes na una nilang nilaruan na venues, muli nilang ipaparada sina Caera Celis, Xyz Ellen Rayco, Madele Gale, Sharina Lleses, Khaira Manzano, Irish Mahinay at Nadeth Faye Herbon matapos ang isang araw na pahinga.
Nakitaan ng tikas ang Alas Pilipinas Girls sa nakaraan nilang laban kahit natalo sila sa Asian Champion na Korea, 21-25, 18-25, 14-25, sa tatlong sets.
Suportdo ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at Asics ang kampanya ng Alas Pilipinas Girls, huhugot din sila ng lakas kina Jhaynna Love Bulandres, Megan Hernandez, Taj Arkhea Teves, Resty Jane Olaguir, Jhenica Sadia, Jello Andrea Mauricio at Frances Dianne Ramos.
Umukit ng history ang Alas Girls nang tapusin nila ang Group play sa 2-3 karta kaya nakapasok sila sa Round of 16, nakuha nila ang panalo kontra No. 8 Mexico at No. 20 Tunisia.
Si Mauricio ang pinakabata sa miyembro ng Alas Girls sa edad na 14, itotodo nila ang kanilang lakas kahit wala na sila sa podium finish.
“We will give it everything we have, do our best for the team,” sabi ng opposite hitter mula sa San Felipe Neri Catholic School.
Ang ibang koponan na papalo ng bola sa 9th to 16th spots ay ang Peru, Argentina, Czechia, Dominican Republic, Venezuela at Poland.
- Latest



















