^

Police Metro

Senator-judges dapat maging patas sa VP Sara trial – solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union sa mga sena­tor-judges na gampanan ang tungkulin ng mga ito na maging patas sa isinasagawang paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y sa gitna na rin ng pag-aktong defense law­­yers ng ilang senator-judges na nagpapakita ng pagkiling kay VP Sara sa halip na gampanan ang mandato ng mga ito sa batas.

Sa kabila ng alalaha­ning ito, sinabi ni Ortega na naniniwala siya na ang Senate impeachment court ay pananatilihin ang mandato ng mga ito sa Konstitusyon na walang kilingan sa panig ng prosecution at defense panel, pakinggan ang paglilitis at ibigay ang hatol base sa ebidensya.

Magugunita na nitong mga nakalipas na paglilitis ay kinalampag ng netizens at ilang mga kilalang abogado, mga eksperto sa Konstitusyon at iba pang mga kilalang personalidad ang ilang mga senator-judges na maging neutral o patas ang mga ito sa halip na paboran ang depensa na hindi naman bahagi ng kanilang trabaho.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with