^

Probinsiya

Mag-asawa binaril ng na-dismiss na parak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa binaril ng na-dismiss na parak
Kinilala ang mag-asawang biktima sa pangalan lamang na Dennis, 52-anyos, at misis nitong si Rowena, 54-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang nasugatan makaraang barilin ng isang dating pulis sa harapan ng kanilang tahanan sa Brgy. Old Cabalan, Olongapo City, Zambables nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mag-asawang biktima sa pangalan lamang na Dennis, 52-anyos, at misis nitong si Rowena, 54-anyos.

Ang suspect ay nakilalang si alyas “Jerry”, 41-anyos, na-dismiss na pulis na nasukol ng mga anak ng biktima sa tulong ng kanilang mga kapitbahay.

Sa ulat ng Olongapo City Police Office, nangyari ang insidente sa tapat ng tahanan ng mag-asawa sa Mulawin Lane ng Brgy. Old Cabalan ng lungsod na ito. Kabababa lamang ni Dennis sa behikulo sa may gate ng kanilang tahanan nang biglang sumulpot ang suspect na may dalang armas at pinaputukan siya ng dalawang beses na tumama sa kaniyang balikat at tiyan.

Nagpaputok din ang suspect sa loob ng behikulo at tinamaan ang misis ni Dennis na nadaplisan sa bahagi ng ulo matapos na masuwerteng makadapa.

Nasakote naman ang suspect ng mga anak ng biktima na mabilis na sumaklolo at ng kanilang mga kapitbahay habang nagresponde sa lugar ang mga opisyal ng barangay.

Nakumpiska mula sa suspect ang isang cal. 9mm Luger at cal. 9mm Daewoo. Sa paunang imbestigasyon, personal na galit ang motibo sa krimen habang kalaboso na ang suspect na nahaharap sa 2-counts ng frustrated murder.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with