Sekyu ng kapitolyo natagpuang patay sa barracks
CAVITE, Philippines — Nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang Trece Matires City Police hinggil sa pagkakatagpo sa duguan at wala nang buhay na 27- anyos na security guard sa kanyang barrakcs, kamakalawa sa Brgy. San Agustin, ng nasabing lungsod.
Base sa ulat, alas-4:45 ng madaling araw nang madiskubreng patay na sisa alyas “Covie”, 27-anyos, security guard ng New Provincial Capitol Admin Workers at residente ng Quezon City.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkulong umano ang biktima sa loob ng kanilang barracks.
Nadiskubre lamang na nakahandusay at duguan ang guwardya matapos na masilip sa pinto ng barracks.
Ayon sa pulisya, tinitingnan ang serye ng suicide makaraang nag-iwan pa umano ito ng isang mensahe ng pamamaalam sa kanilang group chat at kasamahan sa trabaho.
- Latest























