Flood probe ng Senado ipinaubaya na sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Ipinasa na ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects upang mapabilis ang proseso, ayon kay committee chairman Sen. Erwin Tulfo nitong Biyernes.
Inihayag ito ni Tulfo matapos ang kanyang pulong kasama si Senate President Sherwin Gatchalian at Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa tanggapan ng anti-graft agency sa Quezon City.
“Initially, napag-usapan namin ni Ombudsman na everything that has to do with flood control, sila na maghahawak kasi ang dami na ring ongoing,” ani Tulfo.
Dagdag pa niya, iniimbestigahan na rin ng Ombudsman ang mga nasangkot sa flood control projects batay sa mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“Tumatakbo na yung mga na-submit ng ICI sa kanila—yung mga congressmen, contractors, other government officials, pati mga kasamahan namin sa Senate at ranking officials—gumugulong na,” paliwanag ni Tulfo.
Aniya, kung makikisawsaw pa ang Blue Ribbon ay baka “mapurnada” ang proseso.
- Latest

























