^

Probinsiya

Lover ni misis inutas ni mister, sinunog sa kotse!

Angie dela Cruz, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Lover ni misis inutas ni mister, sinunog sa kotse!
Phi­lippine National Police (PNP) Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr.
Philippine National Police / Facebook page

Biktima hinuthutan ng pera ng mga suspek

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaking negosyante makaraang pagpapaluin hanggang sa mapatay, iginapos saka inilagay sa trunk ng sasakyan at sinunog sa isang farm sa Brgy. Daungan, Guiguinto, Bulacan noong Martes ng gabi.

Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang biktima ay 29-anyos, taga-Pulilan, Bulacan at sinasabing may financing­ company.

Sinabi ni Nartatez na dalawang suspek ang naaresto na habang tinutugis pa ang mag-live in  na pangunahing suspek sa krimen.

Sa ulat, alas-11:15 ng gabi noong Martes, Agosto 4, agad na rumes­ponde ang mga pulis ng Guiguinto nang makatanggap ng ulat na may nasusunog na sasakyan na inabandona sa Purok 2, Brgy. Baungan, ng nasabing bayan. Matapos maapula ng mga bumbero ang apoy, tumambad ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang biktima sa loob ng compartment ng isang Mitsubishi Mirage.

Sa isang press conference, sinabi naman ni  Police Regional Office-3 regional Director Brig. Gen. Jess Mendez, na lumalabas sa imbestigasyon na “crime of passion” ang motibo sa krimen. Inutusan umano ng lalaking suspek ang kinakasamang babae na makipagrelasyon sa biktima para “huthutan” ng pera, pero kinalaunan ay nagseselos na umano ang nasabing mister nang maka-“debelopan” na ang dalawa.

Ayon Brig. Gen. Mendez, inimbitahan ng babae ang biktima na magkita sila sa Bulacan, kung saan dito na siya pinagtulungang pagpapaluin at patayin ng mga suspek. Iginapos nila ang bangkay saka ipinasok sa trunk ng Mitsubishi Mirage at dinala sa farm sa
Guiguinto, Bulacan at doon sinilaban ang sasakyan dakong alas-11:15 ng gabi noong Martes.

Sa ginawang pagbusisi sa mga CCTV footages, at coordina­ted ope­ration, natunton ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sasakyan sa isang bakanteng lote sa Barangay San Francisco, Bulakan, Bulacan, kung saan pinaniniwalaang doon unang naganap ang pagpatay.

Nang makakuha ng lead ang pulisya sa mga suspek, agad ikinasa ang hot pursuit operation at unang naaresto si Ronnie Alcantara, alas-8:30 ng umaga noong Agosto 5 sa Brgy. San Francisco, Bulakan.

Makalipas ang mahigit isang oras, alas-9:54 ng umaga, naaresto ang ikalawang suspek na si Ramon Gamba sa San Vicente Fish Market sa Malolos City. Nasamsam dito ang isang caliber .45 na baril na may 25 bala, 25 bala ng 9mm, at isang kulay pilak na Suzuki APV na hinihinalang ginamit bilang getaway vehicle.

Kabilang pa sa mga ebidensyang nakum­piska ng mga awtoridad ang isang itak, 9 na cotton swab na may hinihinalang bahid ng dugo, isang polo shirt na may bahid ng dugo,  at iba’t ibang drug paraphernalia.

Isa pang indibidwal ang dinakip din dahil sa kasong obstruction of justice.

NARTATEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with