^

Probinsiya

Magkaangkas sumemplang, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PILAR, Sorsogon, Philippines — Kapwa dead-on-the spot ang isang motorcycle rider at kanyang angkas nang sumemplang ang kanilang motorsiklo matapos bumangga sa tambak na lupa sa tabi ng kalsada sa Brgy. Calongay, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Tinangka pang isugod sa Donsol District Hospital ang duguan at walang malay na mga biktima na sina alyas “Ricardo,” 18-anyos; at “Joshua,” 16-anyos, kap­wa residente ng Brgy. Mabanate ng naturang bayan pero pareho silang idineklarang patay.

Sa ulat, ala-1 ng mada­ling araw sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Ricardo angkas si Joshua at binabagtas ang kahabaan ng provincial road mula sa Poblacion pauwi ng kanilang barangay.

Gayunman, pagdating sa lugar ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo at pumasok sa kabilang linya hanggang deretsong bumangga sa tambak na lupa sa tabi ng isang puno ng niyog dahilan para tumilapon ang mga biktima at malakas na humampas ang kanilang katawan sa sementadong kalsada na naging sanhi ng agaran nilang pagkasawi.

DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with