^

Police Metro

Gatchalian: Kawalan ng regular na fuel cost audit, imbestigahan

Malou Escudero - Pang-masa
Gatchalian: Kawalan ng regular na fuel cost audit, imbestigahan
The DOE is investigating hundreds of complaints against gas stations as fuel prices rise.
atlasstudio via Canva

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang kawalan ng regular na fuel cost audit sa gitna ng tumataas na singil sa generation charges ng kuryente, na nagdudulot nang labis na pasanin sa maraming mga konsyumer.

Sa inihaing resolus­yon, sinabi ni Gatchalian­ na ang tumataas na gene­ration charges at ang kawalan ng regular na fuel cost audit ay nagpapakita lang na kailangan na nang mas malakas na pananagutan at transpa­rency sa sektor ng power generation upang matiyak na ang kuryente ay naisu-supply sa pinakamababang halaga.

Binigyang-diin ni Gatchalian na mula Ene­ro 2025 hanggang Hulyo 2026, ang buwanang ­singil sa kuryente ng isang residential customer ng Meralco na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) ay tumaas sa P2,970.00 sa rate na P14.83 bawat kWh mula sa humigit-kumulang P2,350.00 sa rate na P11.74 bawat kWh.

Dahil dito, napipilitan aniya ang mga konsyu­mer na magbayad ng karagdagang P620.00 buwan-buwan kahit pareho lang ang dami ng kuryenteng ginagamit nila.

Inilahad din ni Gatchalian na ang halaga ng gasolina at langis, partikular na mula sa mga kontratang supply ng Meralco sa liquefied natural gas (LNG) at coal, ay 86.16% ng kabuuang generation charges ng kumpanya noong Hulyo 2026.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with