^

Probinsiya

6 patay kay Luis, Maymay, habagat – OCD

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa anim katao ang nasawi sa pinagsamang epekto ni tropical cyclone Luis, Maymay, at southwest monsoon o habagat sa mga naapektuhan nitong lugar sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) at ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Sa report, sinabi ni Diego Agustin Mariano, Assistant Spokesman ng OCD, kabilang sa mga nasawi ay dalawa sa landslide sa La Trinidad, Benguet habang isa pa ang nasugatan dakong alas-9 ng umaga nitong Huwebes.

Ang dalawang nasawi ay mga cook sa isang bulalo eatery sa La Trinidad habang ang sugatang nasawi ay isang 66-anyos na matanda na isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Dalawa rin ang naitalang nasawi sa rockslide naman sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules bandang alas-12:20 ng tanghali. Iniulat naman ni PNP Spokesman Col. Allen Rae Co ang dalawa pang nasawi ay isang 45-anyos na lalaki na nalunod sa Luna, La Union at isang 54-anyos na lalaki na nalunod naman sa Alaminos, Pangasinan.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng masamang lagay ng panahon ay mula sa Regions I, II,, III, V, IX , BAR, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay Mariano, umaabot na sa 23,946 pamilya o kabuuang 80,633 katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan.

Sa nasabing bilang ay nasa 6,929 katao ang kinakanlong sa 39 evacuation centers habang nasa 2,215 naman ang nanuluyan sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak sa mga ligtas na lugar.

OCD

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with