^

Probinsiya

Grade 11 binugbog ng 3 estudyante, 1 pa sa Negros

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bugbog sarado ang isang 16-anyos na Grade 11 matapos itong pagtulungang gulpihin ng tatlong estudyanteng lalaki at ng 26-anyos ng mga itong kasamahan sa labas ng isang pampublikong eskuwelahan sa high school sa Brgy. Robles, La Castellana, Negros Occidental kama­kailan, ayon sa ulat kahapon.

Base sa imbestigas­yon, kalalabas lamang ng biktima sa kanilang eskuwelahan at pasakay na ito sa kaniyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang tatlong estudyante na nagkakaedad 17 hanggang 19-anyos na umano’y mga bully sa kanilang paaralan.

Agad na inatake ng tatlong estudyante ang biktima na pinagtulungan ng mga itong pagsusuntukin at pagsisipain.

Samantalang tinulu­ngan pa ang mga suspect ng kasamahan ng mga itong isang 26-anyos na lalaki sa pambubugbog sa biktima. Lumilitaw sa imbestigasyon na napagtripan lamang ng mga suspect ang biktima dahilan kaibigan ito ng isang estudyante na kanilang nakaaway.

Bunga ng insidente ay ipinatawag naman nitong Agosto 4 ang mga magulang at guardian ng biktima saka ang mga suspect para sa isang pagpupulong kasama ng mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng PNP Women and Children Protection Desk (WCPD) at dito’y tinalakay ang proteksiyon sa mga menor-de-edad na estudyante.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with