^

Probinsiya

Indian trader utas sa ambush ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyanteng Indian national matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem na mga armadong salarin sa Brgy. Villamonte, Bacolod
City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima sa pa­ngalan lamang nitong “Aks,” dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, tinambangan ang biktima ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar bandang alas-9 ng gabi noong Agosto 4.

Sa imbestigasyon, nasa bisinidad ng nasabing lugar ang nasabing Bombay na may negosyong 5-6 o pautang na patubuan nang biglang sumulpot ang riding-in- tandem.

Armado ng hindi natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang itong pinagbabaril ang biktima na duguang napalupasay sa insidente.

Nagsasagawa na rin ng backtracking sa kuha ng CCTV sa lugar ang pulisya upang matunton at mapanagot sa batas ang mga salarin.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with