^

Police Metro

‘Pag-aresto’ kay Bato, diversionary tactic lang sa VP Sara trial - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa umanong diversionary tactic ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte ang mga kumakalat na pahayag na naaresto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang paniniwala ng Malacañang para umano ilihis lang ang atensyon ng publiko sa development ng impeachment trial ni Duterte.

Hinikayat ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang publiko na huwag maniwala sa mga usap-usapan at alamin kung sino ang source at ang motibo ng mga nagpapakalat.

Mapapansin naman aniya na walang laman at walang konteksto ang pinapakalat nina Atty. Jimmy Bondoc at Harry Roque tungkol kay Senator Dela Rosa.

“Timing ang ginagawa nila para matabunan ang mga naisiwalat ng COA patungkol sa mga walang resibo na paggasta milyun-milyong pisong confidential funds ni VP Sara sa OVP at DepEd,” ayon pa kay Castro.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with