^

Police Metro

Beijing, walang kinalaman sa racist ‘monkey’ video - Chinese envoy

Malou Escudero - Pang-masa
Beijing, walang kinalaman sa racist ‘monkey’ video - Chinese envoy

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Chinese Ambassador Jing Quan na ang pamahalaan ng China ang nasa likod ng  kontrobersyal na AI-generated video ng state-run na China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

Sinabi ni Jing na ang nilalaman ng publikasyon ay hindi idinidikta ng gobyerno at hindi umano kontrolado ng pamahalaan ng China ang lahat ng inilalathala ng mga media organization sa kanilang bansa.

Nanawagan din si Jing na ipagpatuloy na lamang ng Pilipinas at China ang dayalogo upang mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon sa kanya, may mga hindi pagkakaunawaan din ang China sa iba pang mga karatig-bansa, ngunit naniniwala siyang dapat manaig ang da­yalogo at negosasyon.

Iminungkahi rin ng Chinese Ambassador na isantabi muna ng bansa ang mga hindi pagkakasundo at pagtuunan ng pansin ang posibleng kooperasyon sa oil at gas exploration.

Tumanggi nang magbigay pa ng ka­ragdagang komento ang ambassador at sinabing, “Actually, you know, when we say we don’t have comments, that’s our position.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with