^

PSN Showbiz

Anne ginagamit? Mimiyuuuh, tinalakan ng assistant ni Heart

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne ginagamit? Mimiyuuuh, tinalakan ng assistant ni Heart
Mimiyuuuh

Usung-uso ngayon ang resibo.

At ang latest na naglabas nito, ang personal assistant ni Heart Evangelista matapos siyang ulanin ng batikos sa social media, si Resty Rosell.

Ito ay nang punahin niya ang celebrity content creator na si Mimiyuuuh dahil sa pahayag nito tungkol sa kagustuhang maging “nepo baby” na mula sa “clean money.”

Nagkomento si Resty Rosell sa Instagram page ni Mimiyuuuh—sa vlog collaboration kasama ang kapwa content creator na si Esnyr—dahil pakiramdam ng assistant ni Heart ay pinariringgan sa vlog si Heart na ang insinuation daw ay hindi nakuha sa malinis na paraan ang ka­yamanan.

Sa nasabing vlog ni Mimiyuuuh, tinalakay nila ni Esnyr kung paano na nila kayang kainin ang mamahaling king crab, gayung dati ay pinapa­ngarap lang nila ito bago sila sumikat sa internet. Sinabi pa ni Mimiyuuuh na pangarap niyang maging “nepo baby” ng businesswoman-influencer na si Small Laude, basta hindi aniya ng mga pulitiko.

Anne Curtis

“Pero ayoko ‘yung mga galing sa politicians. Gusto ko nepo baby na galing sa mga businesses,” biro niya.  Sinagot naman ito ni Esnyr ng, “Nepo baby na clean money.”

Hanggang napunta ang usapan sa paghanga ng dalawang content creator kay Anne Curtis, kung saan sinabi ni Mimiyuuuh na isa ang It’s Showtime host sa pinakamabait sa industriya. “Dagdag pa kay Ms. Anne Curtis, isa rin siya sa pinakamabait, teh. Parang hindi mo mararam­daman sa kanya ‘yung ‘I can buy you’—hindi ganoon ang energy niya,” sabi ni Mimiyuuuh. “We love you, Ms. Anne. Si Anne lang ang mahal namin sa bahay na ito, kasi siya talaga ang ‘clean money girl.’”

Si Esnyr ay nag-agree kay Mimiyuuuh na nagsasabing ang yaman ni Anne ay malinaw na nagmula sa kanyang sariling pagsusumikap.

At doon nga nag-comment si Resty na burado na as of this writing:  “Anong pinaglalaban natin mi? Sikat kana, hindi mo kailangan magpasikat.

“At galing pa talaga sa kanya? Eee ang galing ng mag shade-shade @mimiyuuuh (emoji) saan mo natutunan yan? Ingat, baka bigla kang tapikin,”

Wala pang komento sa callout ni Resty sina Esnyr at Mimiyuuuh.

Pero ang lumalabas base sa isang video, ang nasabing assistant ni Heart na si Resty ang nagpasok sa kanya (Mimiyuuuh) sa Aivee Clinic. Ito ay matapos mag-collab sina Heart at Mimiyuuuh noong 2019.

Sa isang lumang video na kumalat kahapon, panay ang pasasalamat ni Mimiyuuh kay Resty dahil nga ito ang naging bridge para maging ambassador siya ng Aivee.

Well, hindi ito ang unang pagkakataon na tumindig si Resty para ipagtanggol si Heart.

So pwede naman palang tumalak talaga si Resty kay Mimiyuuuh.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with