Eala nagpasalamat sa Pinoy fans

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Alex Eala sa mga Pinoy supporters na patuloy na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa bawat laban sa Wimbledon Championships na ginaganap sa London, England.
Tunay na dinadagsa ng mga Pilipino ang venue sa naturang Grand Slam saan man ito maglaro — sa center court o iba pang court.
Kaya naman malaki ang pasasalamat ng 21-anyos Pinay netter dahil nagsisilbi itong motibasyon para patuloy na lumaban.
“Maraming maraming salamat sa lahat ng kababayan natin na patuloy na sumusuporta sa mga laban ko dito,” ani Eala.
Isa si Eala sa mga pangunahing hinahangaan sa Philippine sports at maihihilera na ito kina boxing legend Manny Pacquiao, Paris Olympics doubles gold medalist Carlos Yulo, Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at pole vaulter EJ Obiena.
“It’s an honor to be able to pave the way for young girls. It would be the honor of my life to be able to inspire others. I think inspiration is such a beautiful thing,” ani Eala.
Mismong si world No. 17 Jasmine Paolini ay humanga sa suportang natatanggap ni Eala sa bawat laro nito.
Naramdaman ito ni Paolini nang makalaban nito si Eala sa Dubai Tennis Championships noong Pebrero sa United Arab Emirates kung saan dinumog ang venue ng mga Pinoy fans.
“She’s playing great. She has a huge crowd with her. Now on the bridge they were screaming ‘Alex, Alex’. It’s so good for our sport, I think, also to involve more people around the world,” ani Paolini.
Kasalukuyang naglalaban sina Eala at Paolini kung saan pakay ng Pinay netter na masungkit ang kauna-unahang quarterfinal appearance sa isang Grand Slam event habang sinusulat ito.
Nauna nang pinataob ni Eala si reigning champion Iga Swiatek ng Poland sa third round sa pamamagitan ng 7-6 (9), 6-2 panalo.
- Latest






















