VP Sara trial posibleng tumagal ng 8 buwan

MANILA, Philippines — Posibleng aabot ng pito hanggang walong buwan ang itatagal ng impeachment trial.
Ito ang sinabi ni Senate President Win Gatchalian na sa tingin nila ay sa Pebrero pa ng susunod na taon matatapos ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
“Actually, sa tantsa namin, mga 7 to 8 months ang impeachment trial. Kung mag-uumpisa tayo ng July, baka next February na tayo matatapos,” ani Gatchalian.
Binanggit ni Gatchalian na nasa 10,000 “pieces of evidence” ang minarkahan sa natapos na pre-trial conference noong nakaraang linggo.
Sa ngayon ay pinag-aaralan nila kung papaano mapapabilis ang impeachment trial dahil hindi lamang naman iyon ang dapat trabaho ng Senado lalo na ang national budget.
Idinagdag ng lider ng Senado na kukonsultahin ng impeachment court ang prosecution at defense kung papaano pa mapapaiksi ang proseso at kung maaaring paigsiin ang pagharap ng mga testigo.
- Latest



















