VP Sara trial tuloy sa Hulyo 6 – Bantug

MANILA, Philippines — Tuloy sa Hulyo 6 ang paglilitis ng impeachment court kay Vice Pres. Sara Duterte sa kabila nang pinagtatalunang box mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi namarkahan sa natapos na pre-trial conference, ayon kay Senate Secretary at impeachment court clerk Atty. Renato Bantug Jr.
Ang selyadong kahon ng mga rekord ng buwis na isinumite ng BIR ay naglalaman ng mga income tax return nina Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
Lumabas ang isyu matapos hilingin ng mga tagausig ng Kamara na buksan, imbentaryuhin, at markahan ang kahon ng BIR sa pre-trial conference noong Huwebes.
Samantala, nakatakdang ilabas sa Hunyo 29, Lunes ang pre-trial order ng impeachment court.
Ang pre-trial order ay maglalaman ng mga napagkasunduan ng prosekusyon at depensa sa isanagawang pre-trial conference mga “facts”, mga saksi, at mga petsa ng paglilitis.
Ang prosekusyon at depensa ay may tatlong araw o hanggang Huwebes, Hulyo 2, para magsumite ng kanilang mga komento sa pre-trial order.
- Latest
























