^

Probinsiya

Udalo Bridge sa Occidental Mindoro, bukas na sa maliliit na behikulo – DPWH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa maliliit na behikulo ang Udalo Bridge na matatagpuan sa Abra de Ilog-Puerto Galera Road sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Sa isinagawang inspeksiyon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na accessible na ngayon sa mga motoris­ta ang tulay, matapos na matigil ang konstruksiyon nito sa loob ng tatlo at kalahating taon.

Ayon kay Dizon, sa ngayon ay maliliit na behikulo lamang muna ang papayagan nilang dumaan sa tulay habang hindi pa tapos ang 21-araw na curing process para sa semento nito.

Inaasahan naman aniya nilang lahat ng uri ng behikulo ay maaari nang dumaan sa tulay sa kalagitnaan ng Hulyo.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with