^

Police Metro

VP Sara trial, magiging ‘pulutan sa bawat kanto’

Joy Cantos - Pang-masa
VP Sara trial, magiging ‘pulutan sa bawat kanto’
Vice President Sara Duterte as seen on May 31, 2025 addressing overseas Filipinos in The Hague, Netherlands where his father, former president Rodrigo Duterte, is detained for crimes against humanity at the International Criminal Court.
Inday Sara Duterte via FB

MANILA, Philippines — Naniniwala si Deputy Speaker Paolo Ortega V na magiging “pulutan sa bawat kanto sa Pilipinas” ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte kung saan ilalabas ng prosecution ang malalakas na ebidensiya at mga witness na magdidiin sa pangalawang pangulo.

“Kumbaga, mabubuhay po ‘yung usapan ng impeachment trial, magiging pulutan po ’yan sa bawat kanto ng Pilipinas,” ani Ortega.

Sa July 6, 2026 ay sisimulan na ng Impeachment Court ang paglilitis kay Duterte na ayon kay prosecution team spokesperson at Kabataan partylist Rep. Renee Co ay posibleng magtagal ng hanggang tatlong buwan.

Inaasahan na tututukan ng husto ng samba­yanang Pilipino ang pag­lilitis kung saan kasama ang mga ito sa huhusga kung totoo o hindi ang mga ebidensya na ilalatag ng prosekusyon laban sa pangalawang pangulo.

Malalaman din ng mamamayan kung papaano kumilos, hindi lamang ang mga senator-judges kundi ang mga prosecution at defense lawyers kaya maging ang mga ito ay huhusgahan ng mga tao.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with