^

PSN Showbiz

Sofia, naghihintay pa sa resulta sa pagkalunod nina Rene at Divine!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sofia, naghihintay pa sa resulta sa pagkalunod nina Rene at Divine!
Sofia Andres

Maging si Sofia Andres ay naantig kaya naghihintay ng resulta sa nangyari sa namayapang mga estudyanteng atleta na sina Rene Clert Baterbonia and Divine Adili.

Nailibing na si Rene at naiuwi na si Divine sa Nigeria, pero hindi nawawala ang pait at sakit sa mga naapektuhan sa nangyari na kahit anong sabihin ay maiintindihan mo ang nararamdaman ng ina.

Ayon sa post ni Sofia. “As a woman, a mother, and someone who understands what it means to carry res­/ponsibilities for the people you love, hindi ko maiwasang maantig sa kwento nina Rene at Adili.

“Behind all the headlines and noise, I see two people with dreams, families, and loved ones who depend on them. Bilang mga breadwinner, hindi lang sarili nilang kinabukasan ang dala nila, kundi pati ang pag-asa ng kanilang mga pamilya.

“Napakapalad nila na nabiyayaan ng talento, sipag, at pamilyang patuloy na sumusuporta sa kanila.

“At nakita rin natin kung paano magmahal ang mga Pilipino. The outpouring of support, empathy, and concern for these two athletes is a reminder of who we are as a people marunong tayong makiramay, umunawa, at tumindig para sa kapwa.

“My hope is that truth, fairness, and compassion will always prevail. Na sa ating bansa, ang hustisya at pag-asa ay hindi nakadepende sa estado sa buhay, kundi pantay na naipagkakaloob sa lahat.

“Para ito sa lahat ng may malalaking pangarap. Sa lahat ng lumalaban para sa pamilya. At sa paniniwalang may puwang pa rin ang malasakit, dignidad, at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.”

Sana talaga ay may managot at hindi makalimutan ang nangyari sa kanila.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with